April 28 - May 2
---------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG:
Ang Pilipinas, bago maging isang estado, ay nagpasalin salin sa iba't ibang kolonya. Isa na rito ay ang kolonya ng Espanya. Ano ba ang kahulugan ng kolonya? Ito ba ay masama o makabubuti sa isang bansa?
ANG KASAGUTAN:
OO at HINDI.
Ang kolonya, ayon sa aking pagkakaunawa, ay ang pagsakop ng isang malaking bansa sa isang mas maliit na bansa. Ang mga residente mula sa bansang nananakop ay maaring manirahan ng permanente sa bansang kanyang sinasakupan habang ang katapatan ay mananatili parin sa bansang kanyang pinanggalingan.
Ito ang nangyari sa atin noong 19th century. Ilang daang taon din tayong nagpasakop noon sa Espanya bago tayo nakalaya mula sa kanila. Ang mga Kastila ay naniniwalang kailangan nilang ipakalat ang Kristyanismo sa mga hindi nakakakilala dito sapagkat ito lamang ang makakapagligtas sa lahat ng tao. Kaya't sa kanilang paglalakbay ay nakarating sila sa ating bansa at ipinalaganap ang Kristyanismo sa buong kalupaan.
Maraming naranasan ang mga Pilipino sa pananakop ng Espanya. Maliban sa pagpalit ng relihiyon sa pamamagitan ng Reducciones ay natuto rin ang mga Pilipino sa eskwelehan ng mga paring Heswita at Dominikano. Ilan sa kanilang natutunan ay ang wikang Espanyol. Ngunit ang mas higit na kanilang naranasan noong panahong iyon ay mga hirap at pasakit, sa pagtitila ng lupa, pagtaas ng buwis, sa pagmamalupit ng mga gwardya sibil at iba pa.
Ang kolonya ng Espanya noon sa Pilipinas ay maituturing na marahas. Isinalintulad ang kolonya sa isang mahigpit na ina na handang parusahan ang kanyang anak upang matutong tumayo sa sariling paa. Ngunit noong panahon na iyon, imbes na ang Pilipinas ay itayo ng kolonya, lalo nitong pinabagsak ang mga Pilipino, na tinatawag nilang Indio, o walang alam.
Dahil dito, napakaraming Pilipino ang nagnais na makawala sa kamay ng Espanya. Katulad na lamang ng GOMBURZA, mga paring sekular, na pinagbintangang nasa likod ng pagaklas ng mga taga Cavite at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng
GAROTE. Ito ang unang kamatayang nagpausbong sa nasyonalismo ng mga Pilipino.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG:
Napatunayan sa Noli Me Tangere ni Rizal na isa siyang repormista ngunit paglaon ay naging isang rebolusyonaryo. Ano ba ang nagpabago sa kanyang pananaw upang tahakin ang landas na ito?
ANG KASAGUTAN:
Ang Calamba Hacienda.
Sa ipinanuod sa aming pelikula ay madami akong natuklasan sa buhay ni Rizal. Isa na dito ay ang uri ng kanyang pamumuhay. Si Rizal at ang kanyang pamilya ay mga Illustrado. May pera at may pinagaralan. Kung kaya't sila ay nakapagmay-ari ng lupain sa Calamba na siyang pangunahing hanapbuhay ng pamilya.
Alam natin na sa paglalakbay ni Rizal ay naging miyembro siya ng Hispano-Filipino assosasyon . Isang beses ay nag bigay siya ng talumpati patungkol kanyang respeto sa Espanya at pagtuligsa sa mga paring Kastila sa Pilipinas. Dito nagsimula na siya ay ituring na isang Filibustero.
Lalo siyang pinaginitan ng mga Kastila nang isinulat niya ang Noli Me Tangere. Kaya't sa kabila ng mga babala na huwag bumalik sa Pilipinas ay bumalik siya para sa mga kadahilanang may sakit ang ina at para sa mga residente ng Calamba, kasama ang kanyang pamilya, na pinaalis sa kanilang mga lupa.
Sa tulong ni Rizal, nanalo ang mga taga-Calamba sa mababang korte, ngunit natalo naman sa Korte Suprema. Ipinatapon sa iba't ibang parte ng bansa ang kanyang pamilya habang ang kanyang ina ay pinaglakad mula Maynila hanggang Sta. Cruz. Dito umusbong ang natutulog na rebolusyonaryong Rizal. Sino nga ba ang hindi maguumigting sa galit na makita ang ina, matanda at may sakit, paglakarin ng ilang araw mula Maynila hanggang Sta. Cruz. Lalo pa at alam niya na ang parusa ay di karapat dapat sa ina dahil hindi naging patas ang batas. Makikita natin ang kanyang tunay na nararamdaman sa isyung ito sa El Filibusterismo.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiM6CiVGUm88BMoqhaXUD8tLiAuXtEZIts3AGJ4D8U9-lLacpAcHf063OBSlmVr3MyfabpnKNI_clMIW5IjBnH3cMIWpxTKNhhfkqJppwGTaT7bAd8ZngK2WOP77vnVEMyJ7z4Qsd4uY8Y/s1600/1296525907.jpg
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG:
Ang pangunahing dahilan ng pagsulat ni Rizal ng mga popular na nobelang, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay upang mamulat ang mga Pilipino sa tunay na sitwasyon ng Pilipinas noong panahong iyon at upang iparating na ang edukasyon ay ang paraan upang makamit ang ninanais na kalayaan.
Ano nga ba ang mahahalagang pangyayari sa mga nobela na siyang halintulad sa buhay ni Rizal?
Ano nga ba ang mahahalagang pangyayari sa mga nobela na siyang halintulad sa buhay ni Rizal?
ANG KASAGUTAN:
Halos lahat. :)
Maaring sa unang pagbasa ng mga nobela ay mahuhulaan natin na isinabuhay ni Rizal ang kanyang sarili sa karakter ni Ibarra at Simoun. Ngunit sa mas malalim na pag-aanalisa ay malalaman natin na halos lahat ng karakter tulad nina Elias at Sisa ay maituturing ring si Rizal.
Sa aking tingin, sa Noli Me Tangere, ang pinakamahalagang pangyayari ay ang mga pag-uusap ni Elias at Ibarra. Si Elias, na naghahangad ng reporma ay kinukumbinse si Ibarra na kailangan ito ng bansa. Samantalang si Ibarra, sa kadahilanang hindi maintindihan ang pinanggagalingan ng hinanakit ni Elias ay sinabing ang kolonya ay isang 'necessary evil', upang umunlad ang Pilipinas. Paglaon, matapos maranasan ni Ibarra ang mga naranasan ni Elias na pasakit, ay nagbago ang kanyang pananaw. Ngunit hindi ito sinang-ayunan ni Elias, sapagkat ang kanyang daang tatahakin ay madilim at marahas.
Pagdating sa El Filibusterismo, makikita natin ang malaking pinagbago ni Ibarra sa katauhan ni Simoun na siyang nagpanggap na masama upang mahikayat ang mga Pilipino na magrebolusyon laban sa mga Kastila. Sa huli ay hindi ito nagtagumpay sa kadahilanang ang kanyang motibo ay hindi para sa bayan, ngunit para sa paghihiganti sa pagkuha mula sa kanya ng kanyang minamahal na si Maria Clara.
Makikita natin na napakaraming matutunan sa mga nobelang ito. Katulad na lamang ng kahalagahan ng edukasyon, na siyang mauunawaan natin sa pagkatao ni Sisa at ang leksyon na ang gawain para sa personal na interes ay kailanman di magtatagumpay.
Sa pagbabasa ng mga nobelang ito, nagbago ang aking pananaw sa ating pambansang bayani. Hindi ako makapaniwala na napakahusay niyang iparating ang ninanais ng kanyang puso sa pamamagitan ng kanyang kamay. Siya ang naging inspirasyon ng iba pa nating mga bayani, ngayon ay siya na rin ang aking inspirasyon upang magtagumpay sa buhay, at balang-araw ay makatulong sa aking Inang Bayan.
http://3.bp.blogspot.com/-_DcXLswYrXE/TvhK6zgHygI/AAAAAAAA3_0/GHeor6WQSpg/s1600/jose+rizal.jpg
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CLICK THIS LINK TO GO TO MY NEXT POST-> WEEK 3
0 comments:
Post a Comment