May 12 - 16
---------------------------------------------------------------------------------------

ANG TANONG:
Hindi sapat ang mga nobelang Noli at El Fili sa pagkilala sa ating pambansang bayani. Anong mga akda maliban sa una, ang maaari nating makuhanan ng impormasyon hindi lang kay Jose Rizal, ngunit pati na rin ng kalagayan ng bansa noong panahon na iyon?
ANG KASAGUTAN:
Sucesos de las Islas Filipinas.
The Indolence of The Filiponos.
The Philippines A Century Hence.
Letters To The Women Of Malolos.
Veneration Without Understanding.
The Indolence of The Filiponos.
The Philippines A Century Hence.
Letters To The Women Of Malolos.
Veneration Without Understanding.
Ilan lamang ito sa mga akda at sanaysay na tinalakay namin patungkol sa buhay ni RIzal, kanyang mga pananaw at mga ideya noong panahon ng kolonya ng Espanya.
Aking inirerekomenda ang mga akdang ito sapagkat minsan kailangan nating lumabas sa nakaugaliang pag-aaral sa ating pambangsang bayani. Mauunawaan nating kung paano tiningnan ni Rizal ang sitwasyon ng bansa, ang kanyang mga hinaing at mga pangarap.
Si Rizal pala ay isang repormista, ngunit isa rin syang rebolusyonaryo. Ninais nyang maging kapantay ang turing ng mga Espanyol sa mga Pilipino na siya naman nyang nakamit at napatunayan gamit ang edukasyon.
Sa kanyang mga akda, mapapansin na palaging may isang bagay siyang minumugkahi na makakapagpalago ng ating bansa. Ito ay ang edukasyon. Isa itong makapangyarihang sandata na makakapagbigay ng ninanais-nais na kalayaan.
Ngunit hindi sya perpekto. Marami pa ding kritisismo sa kanyang kabayanihan. Bagama't ninais nya ng kalayaan, mariin naman nyang tinutulan ang himagsikan. Ninais nyang makamit ang kalayaan sa panahong handa na ang bansang tumayo sa sarili nyang mga paa.
Ano nga ba ang tunay na hangarin ni Rizal para sa Inang Bayan? Marami ang nagtatalo sa usapig iyan.
Tuluyang separasyon ba ang hangad nya o makukuntento na siya sa araw ng ibigay ng kolonya ang mga hinihinging reporma para sa Inang Bayan?
Noon pa man, napakamisteryso na ng pagkatao ni Rizal. Alam nya ang sakit, ang pinanggalingan nito, ngunit ang gamot ay hindi nya diretsong ibibigay sayo, ilalarawan lamang ang lunas pero ikaw ang maghahanap nito.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang kursong PI10 ay nagtapos sa isang dula ng buhay ni Jose Rizal. Ito ay ginanap sa "The Ruins" sa UPLB.
Nakakaaliw ngunit nakakalungkot ang katapusan ng dula, syempre, ang pagkamatay ni Rizal.
Sa kabuuan, napakarami kong natutunan sa PI10, mga bagay at ideya na hindi tinalakay noong ako ay high school at elementarya. Dahil sa kursong ito, ay natutuhan kong pahalagahan ang mga pangyayari ng nakaraan at syempre, ang mas mahalin ang Pilipinas.
Kung kaya't, hinihikayat ko, mga kapwa kong mag-aaral, na sa ating pagtapos sa kolehiyo, ay ang ating pagserbisyuhan ay ang bayan. Mas mahalin natin ang Inang Bayan dahil higit sa lahat, siya lamang ang tatanggap sa atin ng walang tanong at pakundangan.
Madaming salamat sa pagbasa na aking blog!

0 comments:
Post a Comment