Sunday, May 11, 2014

WEEK 1: Introduksyon sa PI 10, sa Kasaysayan ng Pilipinas at sa Buhay ni Dr. Jose Rizal

April 11 - 25
---------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG: 

Ang PI 10 ay isa sa mga kursong kailangan kunin ng lahat ng estudyanteng Pilipino. Ngunit bakit nga ba ito kailangan? Bakit ako nag PI-PI10?


ANG KASAGUTAN:

 R.A. 1425. 

Batas na nagsasaad na kailangan kunin ang kursong PI 10 o ang
"The Study of Life and Works of Jose Rizal"
 ng bawat estudayanteng Pilipino.

At ngayon ay ginagampanan ko ang aking tungkulin sa batas na 
R.A. 1425. Sa pagdaan ng tag-init 2014, ay aking naunawaan kung bakit kinailangan gumawa ng batas upang mapagaralan ang buhay, mga nagawa at mga naisulat ni Dr. Jose Rizal. Ito ay upang maisabuhay ang espirito ng nasyonalismo sa bawat kabataang Pilipino lalo pa at ang mga kabataan ngayon ay pumapabor sa western na pamumuhay at paniniwala.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG: 

Si Dr. Jose Rizal ay isa sa ating mga pambansang bayani. Ngunit ano ba ang ibig sabihin ng salitang bayani? May pinagkaiba ba ang isang bayani at ang isang hero?

ANG KASAGUTAN:

Ayon kay Ricardo Nolasco, ang bayani, gaya ng ibang salita ay may sariling kasaysayan.
Noong unang panahon, ikaw ay mababansagan lamang na bayani kung nakapatay ka na ng takdang bilang na kaaway. 
  • Maniklad: 1-2 napatay
  • Hanagan: 5 napatay
  • Kinaboan: 7-20 napatay
  • Luto: 50-100 napatay
  • Lunugum: nakapatay sa loob ng bahay ng kaaway
http://s2.hubimg.com/u/3751823_f260.jpg
Ngayon, ang ibig sabihin ng bayani, ay isang taong nag-kakawanggawa sa kanyang kapwa. Hindi na nararapat na ang taong ito ay makapatay. Bawat Pilipino ay matatawag nang bayani.

Ayon naman sa aking professor, ang salitang hero ay tumutukoy sa isang taong may kakaibang talento. Iba ito sa kahulugan natin sa isang bayani.

Kaya tayo ay madaming pambansang bayani, taliwas sa itinuro sa atin noong tayo ay nasa elementarya na si Dr. Jose Rizal lamang ang ating pambansang bayani. Sa katunayan, lahat ng ating bayani tulad nina Andres Bonifacio, Apolinario Mabini at iba pa, ay pawang mga pambansang bayani ng Pilipinas.

(Tinalakay at isinadula din namin ang ilang epiko tulad ng Hudhud at Alim, Ibalon atbp)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG: 

Ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay ilan sa mga naisulat ni Dr. Jose Rizal. Ano nga ba ang sunod sunod na pangyayari noong 19th century na nakapag hikayat kay Dr. Jose Rizal upang isulat ang mga nobelang ito?

ANG KASAGUTAN:

Pinag-aralan namin ang mga sunod-sunod na pangyayari mula maimplementa ang Institusyon ng Cadis hanggang sa maisulat ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo hanggang sa makalaya ang Pilipinas sa kolonyalismo ng Espanya.



Nahirapan ako sa aktibidad na ito dahil hindi ako pamilyar sa kasaysayan ng bansa. Dito ko naunawaan na ang kasaysayan, mas higit ng sariling bansa, ay dapat pag-aralan. Ito ay mahalaga upang malaman natin kung paano tayo nakarating ngayon sa ating kinatatayuan. 

Kaya't muli, ako ay nagbasa-basa at pinag-aralan muli ang kasaysayan ng Pilipinas upang sa mas malalim na talakayan ay aking mas maintindihan at maunawaan. 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CLICK THIS LINK TO GO TO MY NEXT POST-> WEEK 2


Posted on by Rose Shane Palomo | 1 comment

1 comment:

  1. saan mo nakita yung pinagmulan ng salitang bayani ni ricardo nolasco.

    ReplyDelete