May 5 - 9
---------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG:
Ang Pilipinas ay dumaan sa ilang siglo sa ilalim ng pamumuno ng kolonya ng Espanya noong ika-19th siglo. Ngunit bukod sa mga himagsikan at usapin tungkol sa nasyonalismo ay nagkaroon ng iba't ibang pangyayari sa Ekonomiya, Lipunan, Batas at Kapaligiran ng Pilipinas. Ano-ano ba ang ilan sa mga ito?
Ang Pilipinas noon ay may tinatawag na "barter system" upang makipagpalitan ng produkto sa ibang bansa. Isa sa pinakamahalagang ipinapalit ng mga Pilipino sa mga bansang tulad ng China, Cambodia at Thailand ay ang mga sigay (shells) na siya namang ginagamit ng mga bansang ito sa kanilang monetaryo. Ebidensya na noon pa man ay napakasagana ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ano nga ba ang mga nangyari matapos sakupin ng Espanya ang Pilipinas at mapalitan ang barter system ng kanilang sistema ng monetaryo?
Dumami ang mga bansang bumibisita, nakikipagnegosyo at bumibili ng mga produkto ng Pilipinas ngunit ang mga Pilipino ay hindi gaanong nakinabang dito.
Dumami din ang mga haciendas sa Pilipinas, nagkaroon ng iba't ibang sistema ng pagpapaupa sa mga Pilipino. At dahil ang mga Pilipino, masipag at magaling sa agrikultura ay naging isa sa pangunahing prodyuser ng mga produktong tulad ng asukal, abaka (Manila Hemp), tobako (Manila Cigar) at kape. Masasabi nating hindi gaanong nahirapan ang mga Pilipino sa pagbayad ng kanilang mga amo. Ngunit hindi nagtagal ay bumagsak ang presyo ng ilang produkto tulad ng asukal kasabay pa ng pagtaas ng buwis sa mga lupa na siyang nagdulot upang kamkamin ng mga may ari ang mga lupain at siya namang nagdulot upang lumapit ang mga Pilipino sa mga nagpapautang. Dahil dito nakaranas ng kahirapan ang ating mga kababayan.
LIPUNAN
Nagkaroon ang Pilipinas na tinatawag na "middle class", ang 'Principalia' (may pera pero walang pinagaralan) at ang mga 'Illustrados' (may pera at pinagaralan). Maliban dito ay natutunan natin ang mga kagawian at ilang kultura ng Espanya tulad ng 'fiesta'. Masasabing ang konsepto ng 'fiesta' ay nakuha natin sa Espanya ngunit ang paraan ng pagdiriwang nito ay sa ating mga Pilipino.
BATAS
Nabuo ang Guardia Civil ngunit mas lalong tumaas ang krimen sa bansa lalo na ang pagnanakaw. Sinasabing ang pagnanakaw ng hayop pangkabuhayan ng isang Pilipino ay isang uri ng pagrisestensya sa taong ito, lalo pa at ang pangunahing kabuhayan ng mga Pilipino noon ay magsaka at magalaga ng mga hayop.
KAPALIGIRAN
Kumalat ang sakit na cholera, ang mga kagubatan ay pinatayuan ng mga gusali, sinalanta rin mga 'locust' ang mga pananim at nagkaron ng matinding tagtuyot.
Sa kabuuan, matapos nating makalaya sa kamay ng Espanya ay nagkahalo-halo na ang pananaw at kultura ng mga Pilipino. Dahil dito, nakaranas ang bansa ng isa pang problema na hindi masosolusyonan ng espada o himagsikan, ito ay ang paghanap ng sariling pagkakakilanlan. Kaya't kung matatandaan natin, kinailangang maipanukala ang RA. 1425, upang makilala muli ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG:
Nagkaroon ng kaunting talakayan sa facebook ang aming klase tungkol sa bagong panukalang kautusan na EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Amerika at Pilipinas. Nakakabuti nga ba ito sa ating bansa o isa kaya itong uri ng neo-kolonyalismo?
ANO ANG IYONG KASAGUTAN?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
0 comments:
Post a Comment