Friday, May 16, 2014

WEEK 4: "Mas Malalim Na Pagkilala Kay Dr. Jose Rizal Mula Sa Kanyang Mga Akda At Ilang Kritisismo"

May 12 - 16
---------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG: 

Hindi sapat ang mga nobelang Noli at El Fili sa pagkilala sa ating pambansang bayani. Anong mga akda maliban sa una, ang maaari nating makuhanan ng impormasyon hindi lang kay Jose Rizal, ngunit pati na rin ng kalagayan ng bansa noong panahon na iyon?

ANG KASAGUTAN:

Sucesos de las Islas Filipinas.
The Indolence of The Filiponos.
The Philippines A Century Hence.
Letters To The Women Of Malolos.
Veneration Without Understanding.

Ilan lamang ito sa mga akda at sanaysay na tinalakay namin patungkol sa buhay ni RIzal, kanyang mga pananaw at mga ideya noong panahon ng kolonya ng Espanya.

Aking inirerekomenda ang mga akdang ito sapagkat minsan kailangan nating lumabas sa nakaugaliang pag-aaral sa ating pambangsang bayani. Mauunawaan nating kung paano tiningnan ni Rizal ang sitwasyon ng bansa, ang kanyang mga hinaing at mga pangarap.

Si Rizal pala ay isang repormista, ngunit isa rin syang rebolusyonaryo. Ninais nyang maging kapantay ang turing ng mga Espanyol sa mga Pilipino na siya naman nyang nakamit at napatunayan gamit ang edukasyon.

Sa kanyang mga akda, mapapansin na palaging may isang bagay siyang minumugkahi na makakapagpalago ng ating bansa. Ito ay ang edukasyon. Isa itong makapangyarihang sandata na makakapagbigay ng ninanais-nais na kalayaan.

Ngunit hindi sya perpekto. Marami pa ding kritisismo sa kanyang kabayanihan. Bagama't ninais nya ng kalayaan, mariin naman nyang tinutulan ang himagsikan. Ninais nyang makamit ang kalayaan sa panahong handa na ang bansang tumayo sa sarili nyang mga paa.

Ano nga ba ang tunay na hangarin ni Rizal para sa Inang Bayan? Marami ang nagtatalo sa usapig iyan. 

Tuluyang separasyon ba ang hangad nya o makukuntento na siya sa araw ng ibigay ng kolonya ang mga hinihinging reporma para sa Inang Bayan?


Noon pa man, napakamisteryso na ng pagkatao ni Rizal. Alam nya ang sakit, ang pinanggalingan nito, ngunit ang gamot ay hindi nya diretsong  ibibigay sayo, ilalarawan lamang ang lunas pero ikaw ang maghahanap nito.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang kursong PI10 ay nagtapos sa isang dula ng buhay ni Jose Rizal. Ito ay ginanap sa "The Ruins" sa UPLB. 
Nakakaaliw ngunit nakakalungkot ang katapusan ng dula, syempre, ang pagkamatay ni Rizal.

Sa kabuuan, napakarami kong natutunan sa PI10, mga bagay at ideya na hindi tinalakay noong ako ay high school at elementarya. Dahil sa kursong ito, ay natutuhan kong pahalagahan ang mga pangyayari ng nakaraan at syempre, ang mas mahalin ang Pilipinas.

Kung kaya't, hinihikayat ko, mga kapwa kong mag-aaral, na sa ating pagtapos sa kolehiyo, ay ang ating pagserbisyuhan ay ang bayan. Mas mahalin natin ang Inang Bayan dahil higit sa lahat, siya lamang ang tatanggap sa atin ng walang tanong at pakundangan.

Madaming salamat sa pagbasa na aking blog!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Posted on by Rose Shane Palomo | No comments

Wednesday, May 14, 2014

WEEK 3: "Ang Ekonomiya, Lipunan, Batas at Kapaligiran ng Pilipinas noong ika-19th siglo"

May 5 - 9
---------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG: 

Ang Pilipinas ay dumaan sa ilang siglo sa ilalim ng pamumuno ng kolonya ng Espanya noong ika-19th siglo. Ngunit bukod sa mga himagsikan at usapin tungkol sa nasyonalismo ay nagkaroon ng iba't ibang pangyayari sa Ekonomiya, Lipunan, Batas at Kapaligiran ng Pilipinas. Ano-ano ba ang ilan sa mga ito?

ANG KASAGUTAN:



                                                                                          http://raadesign.com/wp-content/uploads/2011/11/19f.jpg
EKONOMIYA.

Ang Pilipinas noon ay may tinatawag na "barter system" upang makipagpalitan ng produkto sa ibang bansa. Isa sa pinakamahalagang ipinapalit ng mga Pilipino sa mga bansang tulad ng China, Cambodia at Thailand ay ang mga sigay (shells) na siya namang ginagamit ng mga bansang ito sa kanilang monetaryo. Ebidensya na noon pa man ay napakasagana ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ano nga ba ang mga nangyari matapos sakupin ng Espanya ang Pilipinas at mapalitan ang barter system ng kanilang sistema ng monetaryo?

Dumami ang mga bansang bumibisita, nakikipagnegosyo at bumibili ng mga produkto  ng Pilipinas ngunit ang mga Pilipino ay hindi gaanong nakinabang dito.

Dumami din ang mga haciendas sa Pilipinas, nagkaroon ng iba't ibang sistema ng pagpapaupa sa mga Pilipino. At dahil ang mga Pilipino, masipag at magaling sa agrikultura ay naging isa sa pangunahing prodyuser ng mga produktong tulad ng asukal, abaka (Manila Hemp), tobako (Manila Cigar) at kape. Masasabi nating hindi gaanong nahirapan ang mga Pilipino sa pagbayad ng kanilang mga amo. Ngunit hindi nagtagal ay bumagsak ang presyo ng ilang produkto tulad ng asukal kasabay pa ng pagtaas ng buwis sa mga lupa na siyang nagdulot upang kamkamin ng mga may ari ang mga lupain at siya namang nagdulot upang lumapit ang mga Pilipino sa mga nagpapautang. Dahil dito nakaranas ng kahirapan ang ating mga kababayan.


LIPUNAN

Nagkaroon ang Pilipinas na tinatawag na "middle class", ang 'Principalia' (may pera pero walang pinagaralan) at ang mga 'Illustrados' (may pera at pinagaralan). Maliban dito ay natutunan natin ang mga kagawian at ilang kultura ng Espanya tulad ng 'fiesta'. Masasabing ang konsepto ng 'fiesta' ay nakuha natin sa Espanya ngunit ang paraan ng pagdiriwang nito ay sa ating mga Pilipino.

BATAS

Nabuo ang Guardia Civil ngunit mas lalong tumaas ang krimen sa bansa lalo na ang pagnanakaw. Sinasabing ang pagnanakaw ng hayop pangkabuhayan ng isang Pilipino ay isang uri ng pagrisestensya sa taong ito, lalo pa at ang pangunahing kabuhayan ng mga Pilipino noon ay magsaka at magalaga ng mga hayop.

KAPALIGIRAN

Kumalat ang sakit na cholera, ang mga kagubatan ay pinatayuan ng mga gusali, sinalanta rin mga 'locust' ang mga pananim at nagkaron ng matinding tagtuyot.

Sa kabuuan, matapos nating makalaya sa kamay ng Espanya ay nagkahalo-halo na ang pananaw at kultura ng mga Pilipino. Dahil dito, nakaranas ang bansa ng isa pang problema na hindi masosolusyonan ng espada o himagsikan, ito ay ang paghanap ng sariling pagkakakilanlan. Kaya't kung matatandaan natin, kinailangang maipanukala ang RA. 1425, upang makilala muli ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ANG TANONG: 

Nagkaroon ng kaunting talakayan sa facebook ang aming klase tungkol sa bagong panukalang kautusan na EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Amerika at Pilipinas. Nakakabuti nga ba ito sa ating bansa o isa kaya itong uri ng neo-kolonyalismo?

ANO ANG IYONG KASAGUTAN?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Posted on by Rose Shane Palomo | No comments

Sunday, May 11, 2014

WEEK 2: "Ang Papel ni Rizal sa Calamba Hacienda: Ang Kanyang Pagrisestensya sa Kolonya"

April 28 - May 2
---------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG: 

Ang Pilipinas, bago maging isang estado, ay nagpasalin salin sa iba't ibang kolonya. Isa na rito ay ang kolonya ng Espanya. Ano ba ang kahulugan ng kolonya? Ito ba ay masama o makabubuti sa isang bansa?


ANG KASAGUTAN:

OO at HINDI.

Ang kolonya, ayon sa aking pagkakaunawa, ay ang pagsakop ng isang malaking bansa sa isang mas maliit na bansa. Ang mga residente mula sa bansang nananakop ay maaring manirahan ng permanente sa bansang kanyang sinasakupan habang ang katapatan ay mananatili parin sa bansang kanyang pinanggalingan.

Ito ang nangyari sa atin noong 19th century. Ilang daang taon din tayong nagpasakop noon sa Espanya bago tayo nakalaya mula sa kanila. Ang mga Kastila ay naniniwalang kailangan nilang ipakalat ang Kristyanismo sa mga hindi nakakakilala dito sapagkat ito lamang ang makakapagligtas sa lahat ng tao. Kaya't sa kanilang paglalakbay ay nakarating sila sa ating bansa at ipinalaganap ang Kristyanismo sa buong kalupaan.

Maraming naranasan ang mga Pilipino sa pananakop ng Espanya. Maliban sa pagpalit ng relihiyon sa pamamagitan ng Reducciones ay natuto rin ang mga Pilipino sa eskwelehan ng mga paring Heswita at Dominikano. Ilan sa kanilang natutunan ay ang wikang Espanyol. Ngunit ang mas higit na kanilang naranasan noong panahong iyon ay mga hirap at pasakit, sa pagtitila ng lupa, pagtaas ng buwis, sa pagmamalupit ng mga gwardya sibil at iba pa.

Ang kolonya ng Espanya noon sa Pilipinas ay maituturing na marahas. Isinalintulad ang kolonya sa isang mahigpit na ina na handang parusahan ang kanyang anak upang matutong tumayo sa sariling paa. Ngunit noong panahon na iyon, imbes na ang Pilipinas ay itayo ng kolonya, lalo nitong pinabagsak ang mga Pilipino, na tinatawag nilang Indio, o walang alam.

Dahil dito, napakaraming Pilipino ang nagnais na makawala sa kamay ng Espanya. Katulad na lamang ng GOMBURZA, mga paring sekular, na pinagbintangang nasa likod ng pagaklas ng mga taga Cavite at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng
GAROTE. Ito ang unang kamatayang nagpausbong sa nasyonalismo ng mga Pilipino.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG: 

Napatunayan sa Noli Me Tangere ni Rizal na isa siyang repormista ngunit paglaon ay naging isang rebolusyonaryo. Ano ba ang nagpabago sa kanyang pananaw upang tahakin ang landas na ito?

ANG KASAGUTAN:

Ang Calamba Hacienda.

Sa ipinanuod sa aming pelikula  ay madami akong natuklasan sa buhay ni Rizal. Isa na dito ay ang uri ng kanyang pamumuhay. Si Rizal at ang kanyang pamilya ay mga Illustrado. May pera at may pinagaralan. Kung kaya't sila ay nakapagmay-ari ng lupain sa Calamba na siyang pangunahing hanapbuhay ng pamilya. 

Alam natin na sa paglalakbay ni Rizal ay naging miyembro siya ng Hispano-Filipino assosasyon . Isang beses ay nag bigay siya ng talumpati patungkol kanyang respeto sa Espanya at pagtuligsa sa mga paring Kastila sa Pilipinas. Dito nagsimula na siya ay ituring na isang Filibustero. 

Lalo siyang pinaginitan ng mga Kastila nang isinulat niya ang Noli Me Tangere. Kaya't sa kabila ng mga babala na huwag bumalik sa Pilipinas ay bumalik siya para sa mga kadahilanang may sakit ang ina at para sa mga residente ng Calamba, kasama ang kanyang pamilya, na pinaalis sa kanilang mga lupa. 

Sa tulong ni Rizal, nanalo ang mga taga-Calamba sa mababang korte, ngunit natalo naman sa Korte Suprema. Ipinatapon sa iba't ibang parte ng bansa ang kanyang pamilya habang ang kanyang ina ay pinaglakad mula  Maynila hanggang Sta. Cruz. Dito umusbong ang natutulog na rebolusyonaryong Rizal. Sino nga ba ang hindi maguumigting sa galit na makita ang ina, matanda at may sakit, paglakarin ng ilang araw mula Maynila hanggang Sta. Cruz. Lalo pa at alam niya na ang parusa ay di karapat dapat sa ina dahil hindi naging patas ang batas. Makikita natin ang kanyang tunay na nararamdaman sa isyung ito sa El Filibusterismo.


                          https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiM6CiVGUm88BMoqhaXUD8tLiAuXtEZIts3AGJ4D8U9-lLacpAcHf063OBSlmVr3MyfabpnKNI_clMIW5IjBnH3cMIWpxTKNhhfkqJppwGTaT7bAd8ZngK2WOP77vnVEMyJ7z4Qsd4uY8Y/s1600/1296525907.jpg
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG: 

Ang pangunahing dahilan ng pagsulat ni Rizal ng mga popular na nobelang, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay upang mamulat ang mga Pilipino sa tunay na sitwasyon ng Pilipinas noong panahong iyon at upang iparating na ang edukasyon ay ang paraan upang makamit ang ninanais na kalayaan. 

Ano nga ba ang mahahalagang pangyayari sa mga nobela na siyang halintulad sa buhay ni Rizal?

ANG KASAGUTAN:

Halos lahat. :)

Maaring sa unang pagbasa ng mga nobela ay mahuhulaan natin na isinabuhay ni Rizal ang kanyang sarili sa karakter ni Ibarra at Simoun. Ngunit sa mas malalim na pag-aanalisa ay malalaman natin na halos lahat ng karakter tulad nina Elias at Sisa ay maituturing ring si Rizal. 

Sa aking tingin, sa Noli Me Tangere, ang pinakamahalagang pangyayari ay ang mga pag-uusap ni Elias at Ibarra. Si Elias, na naghahangad ng reporma ay kinukumbinse si Ibarra na kailangan ito ng bansa. Samantalang si Ibarra, sa kadahilanang hindi maintindihan ang pinanggagalingan ng hinanakit ni Elias ay sinabing ang kolonya ay isang 'necessary evil', upang umunlad ang Pilipinas. Paglaon, matapos maranasan ni Ibarra ang mga naranasan ni Elias na pasakit, ay nagbago ang kanyang pananaw. Ngunit hindi ito sinang-ayunan ni Elias, sapagkat ang kanyang daang tatahakin ay madilim at marahas.

Pagdating sa El Filibusterismo, makikita natin ang malaking pinagbago ni Ibarra sa katauhan ni Simoun na siyang nagpanggap na masama upang mahikayat ang mga Pilipino na magrebolusyon laban sa mga Kastila. Sa huli ay hindi ito nagtagumpay sa kadahilanang ang kanyang motibo ay hindi para sa bayan, ngunit para sa paghihiganti sa pagkuha mula sa kanya ng kanyang minamahal na si Maria Clara.

Makikita natin na napakaraming matutunan sa mga nobelang ito. Katulad na lamang ng kahalagahan ng edukasyon, na siyang mauunawaan natin sa pagkatao ni Sisa at ang leksyon na ang gawain para sa personal na interes ay kailanman di magtatagumpay. 

Sa pagbabasa ng mga nobelang ito, nagbago ang aking pananaw sa ating pambansang bayani. Hindi ako makapaniwala na napakahusay niyang iparating ang ninanais ng kanyang puso sa pamamagitan ng kanyang kamay. Siya ang naging inspirasyon ng iba pa nating mga bayani, ngayon ay siya na rin ang aking inspirasyon upang magtagumpay sa buhay, at balang-araw ay makatulong sa aking Inang Bayan.



                             http://3.bp.blogspot.com/-_DcXLswYrXE/TvhK6zgHygI/AAAAAAAA3_0/GHeor6WQSpg/s1600/jose+rizal.jpg
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CLICK THIS LINK TO GO TO MY NEXT POST-> WEEK 3

Posted on by Rose Shane Palomo | No comments

WEEK 1: Introduksyon sa PI 10, sa Kasaysayan ng Pilipinas at sa Buhay ni Dr. Jose Rizal

April 11 - 25
---------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG: 

Ang PI 10 ay isa sa mga kursong kailangan kunin ng lahat ng estudyanteng Pilipino. Ngunit bakit nga ba ito kailangan? Bakit ako nag PI-PI10?


ANG KASAGUTAN:

 R.A. 1425. 

Batas na nagsasaad na kailangan kunin ang kursong PI 10 o ang
"The Study of Life and Works of Jose Rizal"
 ng bawat estudayanteng Pilipino.

At ngayon ay ginagampanan ko ang aking tungkulin sa batas na 
R.A. 1425. Sa pagdaan ng tag-init 2014, ay aking naunawaan kung bakit kinailangan gumawa ng batas upang mapagaralan ang buhay, mga nagawa at mga naisulat ni Dr. Jose Rizal. Ito ay upang maisabuhay ang espirito ng nasyonalismo sa bawat kabataang Pilipino lalo pa at ang mga kabataan ngayon ay pumapabor sa western na pamumuhay at paniniwala.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG: 

Si Dr. Jose Rizal ay isa sa ating mga pambansang bayani. Ngunit ano ba ang ibig sabihin ng salitang bayani? May pinagkaiba ba ang isang bayani at ang isang hero?

ANG KASAGUTAN:

Ayon kay Ricardo Nolasco, ang bayani, gaya ng ibang salita ay may sariling kasaysayan.
Noong unang panahon, ikaw ay mababansagan lamang na bayani kung nakapatay ka na ng takdang bilang na kaaway. 
  • Maniklad: 1-2 napatay
  • Hanagan: 5 napatay
  • Kinaboan: 7-20 napatay
  • Luto: 50-100 napatay
  • Lunugum: nakapatay sa loob ng bahay ng kaaway
http://s2.hubimg.com/u/3751823_f260.jpg
Ngayon, ang ibig sabihin ng bayani, ay isang taong nag-kakawanggawa sa kanyang kapwa. Hindi na nararapat na ang taong ito ay makapatay. Bawat Pilipino ay matatawag nang bayani.

Ayon naman sa aking professor, ang salitang hero ay tumutukoy sa isang taong may kakaibang talento. Iba ito sa kahulugan natin sa isang bayani.

Kaya tayo ay madaming pambansang bayani, taliwas sa itinuro sa atin noong tayo ay nasa elementarya na si Dr. Jose Rizal lamang ang ating pambansang bayani. Sa katunayan, lahat ng ating bayani tulad nina Andres Bonifacio, Apolinario Mabini at iba pa, ay pawang mga pambansang bayani ng Pilipinas.

(Tinalakay at isinadula din namin ang ilang epiko tulad ng Hudhud at Alim, Ibalon atbp)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG TANONG: 

Ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay ilan sa mga naisulat ni Dr. Jose Rizal. Ano nga ba ang sunod sunod na pangyayari noong 19th century na nakapag hikayat kay Dr. Jose Rizal upang isulat ang mga nobelang ito?

ANG KASAGUTAN:

Pinag-aralan namin ang mga sunod-sunod na pangyayari mula maimplementa ang Institusyon ng Cadis hanggang sa maisulat ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo hanggang sa makalaya ang Pilipinas sa kolonyalismo ng Espanya.



Nahirapan ako sa aktibidad na ito dahil hindi ako pamilyar sa kasaysayan ng bansa. Dito ko naunawaan na ang kasaysayan, mas higit ng sariling bansa, ay dapat pag-aralan. Ito ay mahalaga upang malaman natin kung paano tayo nakarating ngayon sa ating kinatatayuan. 

Kaya't muli, ako ay nagbasa-basa at pinag-aralan muli ang kasaysayan ng Pilipinas upang sa mas malalim na talakayan ay aking mas maintindihan at maunawaan. 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CLICK THIS LINK TO GO TO MY NEXT POST-> WEEK 2


Posted on by Rose Shane Palomo | 1 comment